
Tandaan mo, may pagkakataon ka pa para ipakita sa kanila na hindi sa lahat ng pagkakataon, tama sila.
Kung pwede ko lang tong i-favorite/ i-like Tita D, nagawa ko na po. Mahal po lita. Salamat ng madami. :*
Hi anon. I wish I knew you. Thank you. This is sweet.
Wala eh. Ganun talaga.
Hindi porket naging mabuti ka sa ibang tao ay magiging ganon din sila sayo. Hindi porket nagbigay ka ng sobrang respeto at inalala ang mararamdaman nila ay ganun din ang gagawin nila. Hindi porket ipinaglaban mo sila, ipaglalaban ka din nila. Hindi porket minahal mo sila ng higit pa sa sarili mo ay ganun ding pagmamahal ang makukuha mo galing sa kanila. Dahil ganun talaga ang buhay, hindi patas. Hindi lahat ng gusto mo ibibigay sayo. Kase minsan, may mas naghihintay sayong mas makakabuti. Mas magpapasaya.
Masasaktan ka. Yung sakit na minsan parang literal mong nararamdaman sa puso mo. Parang tinutusok- tusok yung puso mo, sabi nga ng inay. Minsan wala ka nang magawa kundi namnamin na lang yung pakiramdam. Masarap din kase kahit masakit. Kase dun ka na lang nagiging masaya eh. Sa pagbalik sa mga alaala nyo noong magkasama pa kayo. Noong sobrang masaya pa kayo. Hanggang sa masasanay ka na lang. Wala na sya, pero mahal na mahal mo pa din sya. Wala pa ding nagbabago. At di mo sigurado kung magmamahal ka pa ng katulad ng pagmamahal mo para sa kanya. Iba kase eh. Alam mong iba sya sa lahat. Kahit na paulit-ulit ka na nyang sinaktan dati. Tinanggap mo pa din sya, sa pag-asang di na nya gagawin ulit. Wala eh. Mahal mo. Pero sa huli, ganun pa din ang nangyari. Parang gumuho ang mundo mo. Noong makita mo mga pictures nilang magkasama. Umiiyak ka sa harap ng monitor mo. Ang lakas ng kabog ng dibdib mo. Walang ibang pumapasok sa isip mo kundi mga tanong na, “Pano mo nagawa yun saken?”, “Mahal na mahal natin ang isa’t-isa, diba?”, “Sabi mo ako na hanggang huli, diba?”
Hanggang sa ikaw na mismo ang mnagsasawa sa kakaiyak. Minsan nga, wala ka nang mailuha. Mahirap. Dahil mahal na mahal mo sya. At lagi mong maiisip at hihilingin, sana di na lang nagbago ang lahat. Because everything was perfect. Everything between the two of you, hanggang sa pamilya nyong dalawa.
At sa isang iglap lang, nawala lahat.

Because I’m sweet, here are gonuts fo yah. Mehehe. Happy mother’s day momma Love, Ate May. — with Luz Olarte.